Saturday, November 16, 2024

HomeNewsKandidato ng pagka-Kagawad, patay matapos pagbabarilin sa Gandara, Samar

Kandidato ng pagka-Kagawad, patay matapos pagbabarilin sa Gandara, Samar

Gandara, Samar- Isang lalake ang pinagbabaril habang lulan ng kanyang motorsiklo bandang 3:10 ng hapon nitong Oktubre 6, 2023 sa Brgy. Casab-ahan, Gandara, Samar.

Sa inisyal na imbistigasyon ng otoridad, kinilala ang biktima na si Roldan Pesidas, 43 taong gulang, supervisor ng Achiever Security Agency Phil o A.S.A.P, residente ng Brgy. Canhawan Gote, Catbalogan City at tumatakbong kandidato sa pagka-kagawad sa Brgy. Canhawan Gote, Catbalogan City.

Napag alaman na habang patawid ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo sa Maharlika National Highway sa Brgy. Casab-ahan, Gandara mula sa Calbayog City patungong Timog nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalake na sakay sa isang Yamaha NMAX.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay at agad namang tumakas ang mga suspek patungong Timog.

Samantala, patuloy ang imbistigasyon ng mga kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. Prinoseso naman ng Calbayog City Forensic Unit ang crime scene.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe