Thursday, January 23, 2025

HomeNewsKalanggaman Island sa Leyte, itinaas ang entrance fee para sa preserbasyon ng...

Kalanggaman Island sa Leyte, itinaas ang entrance fee para sa preserbasyon ng lugar

Ang mga turista na bibisita sa isla ng Kalanggaman sa Palompon, Leyte ay kailangang magbayad ng mas mataas na entrance fee upang matustusan ang pangangalaga at pagpapaganda ng tourist destination.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapataw sila ng 100 porsiyentong pagtaas simula Enero 16, 2023 batay sa inaprubahan na Municipal Ordinance No. 476-080523 o kilala bilang 2023 Revenue Code ng Munisipalidad ng Palompon.

Base sa posted rate, ang mga bagong bayad sa mga dayuhang turista ay Php1,000 bawat isa para sa isang day tour at Php1,500 para sa overnight stay.

Ang mga bibisita sa lugar na hindi taga Palompon ay kailangang magbayad ng Php300 para sa isang day tour at Php450 para sa overnight stay. Samantala, sa mga residente ng Palompon ay kailangang magbayad ng Php100 para sa isang day tour at Php150 para sa overnight stay.

Para sa mga mag-aaral na hindi taga-Palompon, ang bayad para sa day tour ay Php80 para sa kolehiyo, Php60 para sa hayskul, at PHP40 para sa elementarya. Samantalang para sa overnight stays, ang bayad ay Php120 para sa kolehiyo, Php90 para hayskul, at Php60 para sa elementarya.

Ang mga senior citizen na hindi taga-bayan ay kinakailangang magbayad ng Php240 para sa entrance fee sa day tour at Php360 para sa overnight stay. Ang mga senior citizen mula sa bayan ay maaaring makapasok sa isla nang libre.

Samantala, ang mga nais magrenta ng buong isla ay kailangang magbayad ng Php300,000 sa loob ng 24 na oras.

Ang ordinansang ito ay naglalayong siguruhing maayos ang pag-unlad at pamamahala ng mga pasilidad ng eco-tourism sa munisipyo. Layunin din nito na suportahan ang pag-aalaga at pagsasaayos ng ating kalikasan habang nagbibigay ng magandang karanasan para sa mga turista.

Hinimok din ng lokal na pamahalaan ang mga turista na sundin ang mga regulasyon ng isla sa kanilang pananatili, kabilang na ang pag iwas sa paggamit ng sabon, shampoo, at conditioner dahil maaaring makapinsala sa eco-system; paggawa ng mga bonfire; pagdadala ng portable generators at anumang bagay na gagawa ng malakas na ingay; pagtatapon ng basura at paninigarilyo.

Ayon sa isang turista sa kanyang blog sobrang sariwa at linaw ng tubig. Available din ang mga shower room sa tourism office ng libre.

Ang pagdadala ng mga alagang hayop ay mahigpit na ipinagbabawal.

Mahigpit na ipinapataw ng lokal na pamahalaan ang kapasidad na 500 turista sa isang araw.

Ang Kalanggaman ay matatagpuan sa pagitan ng mga lalawigan ng Cebu at Leyte. Mga 45 minutong biyahe sa dagat mula sa bayan ng Palompon at mga dalawang oras na biyahe sa bangka mula sa Malapascua Island sa Cebu.

Ang pulo ay tinatawag na Kalanggaman dahil sa hugis ibon nito kapag tiningnan mula sa itaas dahil sa mahabang sandbar sa magkabilang dulo ng isla.

Ang “Langgam” ay isang lokal na salita para sa ibon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe