Saturday, October 5, 2024

HomeNewsKalahating Kilong Shabu, nasamsam mula sa isang Dating MMA Fighter sa Cebu...

Kalahating Kilong Shabu, nasamsam mula sa isang Dating MMA Fighter sa Cebu City

Arestado ang isang dating professional mixed martial arts fighter matapos makuhanan ng tinatayang nasa kalahating kilo ng shabu matapos maihain ng mga operatiba ng PDEA 7 ang search warrant nito lamang Disyembre 3, 2022 sa Barangay Lahug, Cebu City.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Dir.III Levi S. Ortiz, Regional Director, kasama ang mga tauhan ng Naval Forces Central na humantong sa pagkakadakip sa suspek na kinilala na si Slotty Avila, 34 anyos.

Kabilang sa mga nakumpiska sa operasyon ang dalawampu’t limang (25) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 500 gramo na may tinatayang market value na P3,400,000, tatlong (3) digital weighing scale, assorted plastic packaging ng mga online shopping companies at courier services, tatlong (3) piraso ng plastic tea bag, ilang piraso ng money transfer receipts, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ang mga nakalap na ebidensya ay agad na isinumite at isinailalim sa pagsusuri.

Kasong paglabag sa Section 11 at 12, Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe