Saturday, December 28, 2024

HomeNewsKadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Lalawigan ng Eastern Samar

Kadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Lalawigan ng Eastern Samar

Matagumpay na isinagawa ang paglulunsad ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ caravan kung saan dinaluhan ni Gov. Ben P. Evardone nitong araw ng Lunes, ika-17 ng Hulyo, 2023, sa Capitol Grounds, Borongan City, Lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon kay Governor Evardone, katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamahalaang panlalawigan ng Eastern Samar sa kanyang adhikain na maipaabot sa mga mamamayang Estehanon ang garantisado at abot-kayang halaga ng mga pangunahing bilihin.

Layunin ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ na maabot ang mga lalawigan at lokalidad sa buong bansa upang matulungan ang mga lokal na magsasaka na kumita sa pamamagitan ng direktang farm-to-consumer food supply chain, nag-aalis ng ilang marketing layers at nagbibigay sa taumbayan ng abot-kaya at de-kalidad na produkto nang sa gayun ay malabanan ang epekto ng inflation sa bansa.

Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisagawa sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Inaanyayahan naman ngayon ni Provincial Administrator Nelson Cortez ng Provincial Government ng Eastern Samar ang lahat na magtungo sa Provincial Capitol Grounds upang makabili ng mga mura at abot kayang halagang agricultural products mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Eastern Samar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe