Wednesday, October 16, 2024

HomeNewsKabahayan natupok ng sunog sa Brgy. Magsaysay, Iloilo City

Kabahayan natupok ng sunog sa Brgy. Magsaysay, Iloilo City

Isang sunog ang naganap sa Barangay Magsaysay, La Paz, Iloilo City pasado alas dos ng hapon nitong Lunes, ika-14 ng Oktubre 2024.

Limang bahay ang natupok ng apoy habang 12 naman ang bahagyang nasira.

Patuloy na bineberipika ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas 2:39 ng hapon ay itinaas na sa 3rd alarm ang sunog.

Pasado alas tres ng hapon nang ideklara ng BFP na kontrolado na ang apoy.

Hinihikayat ang publiko na maging mapagbantay at laging sumunod sa mga safety protocols upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

SOURCE: RADYO PILIPINAS ILOILO

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe