Friday, January 10, 2025

HomePoliticsSectoral NewsJoint Meeting ng ibat ibang sektor patungkol sa kapayapaan at kaayusan isinagawa...

Joint Meeting ng ibat ibang sektor patungkol sa kapayapaan at kaayusan isinagawa sa Tapaz, Capiz

Tapaz, Capiz- Nagkaroon ng Joint Meeting ang mga kasapi ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Municipal Task Force – ELCAC na ginanap sa Training Hall, Municipal Building sa bayan ng Tapaz, Capiz nitong ika-12 ng Setyembre 2022.

Bahagi ang aktibidad sa mas pinaigting na programa ng bayan laban sa mga masasamang loob partikular na sa terorismo at insurhensya.

Layunin nitong talakayin ang isyung pangkapayapaan sa buong bayan, kasama ang terorismo at ilegal na droga. Pinaiigting din ang ugnayan ng bawat sektor na bahagi sa nasabing pagtitipon upang mas mapalakas pa ang kooperasyon at koordinasyon para sugpuin ang krimenalidad at iba pang isyu sa komunidad.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga tauhan ng 602nd Company Regional Mobile Force Battalion 6 sa pangunguna ni Police Lieutenant Chuck P Palmerola, kasama ang iba pang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe