Nagdaos ng rally ang grupo ng Manibela at ilang jeepney drivers sa harap ng Sunburst Park sa Iloilo City Proper bilang pagtutol sa ganap na pagpapatupad ng Enhanced LPTRP o Local Public Transport Route Plan ng lungsod nito lamang ika-5 ng Hunyo, 2024.
Karamihan sa mga dumalong drivers ay mula sa mga unang bayan na apektado ng LPTRP kung saan sila ay nilimitahan sa pagpasok sa lungsod.
Matatandaan noong nakaraang Lunes, napagkasunduan ng Iloilo City Government at Provincial Government ang pagpahintulot sa 40% ng mga jeepney mula sa mga unang bayan na makapasok sa lungsod ng Iloilo habang hinihintay pa ang final version ng LPTRP ng probinsya ng Iloilo.
Ayon kay LTFRB OIC Director Atty. Salvador Altura Jr., sa oras na maaprubahan ng DOTr ang LPTRP ng probinsya, ito rin ay susundin ng lungsod partikular sa bilang ng mga jeepney mula sa mga unang bayan na papayagang makapasok sa lungsod ng Iloilo.
Sa harap ng mga isyung ito, hinihimok ang mga kinauukulan na pakinggan ang hinaing ng mga jeepney drivers at isaalang-alang ang kanilang kapakanan sa paggawa ng mga polisiya.
Mahalagang magtulungan ang lahat para sa isang patas at maayos na sistema ng transportasyon sa lungsod ng Iloilo.
Source: Radyo Pilipinas Iloilo
Panulat ni Justine