Nasangkot sa aksidente ang isang sasakyan at 5 motorsiklo sa Barangay Aglalana, Passi City, bandang alas 8:40 ng umaga, noong ika-22 ng Setyembre 2024.
Nahulog sa gilid ng kalsada ang sasakyan habang ang limang motorsiklo naman ay natumba at nagkaroon ng pinsala.
Tatlong indibidwal ang nirespondehan ng Passi City Responders at agad na binigyan ng paunang lunas bago dinala sa ospital para sa karagdagang gamutan.
Patuloy na minomonitor ang kalagayan ng mga biktima habang hinihintay pa ang karagdagang impormasyon mula sa imbestigasyon ng mga awtoridad ng Passi City.
Pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga lugar na maraming kurbada at mataas ang posibilidad ng aksidente.
Maging responsable at maingat sa pagmamaneho. Ang aksidente sa kalsada ay hindi lamang maaaring makasama sa iyong sarili kundi maaari rin itong magdulot ng kapahamakan sa buhay ng iba.
Iwasan ang mabilis na pagmamaneho sa mga mataong lugar at sundin ang mga regulasyon sa trapiko.
Para sa lahat ng drayber, ang kaligtasan ang pinakamahalaga, maging alerto at mag-ingat sa pagmamaneho.
Ipinapakita lamang na ang Passi City responders team at mga awtoridad ay laging handa at alerto sa mga aksidente tulad nito, handang magserbisyo at magpaalala na pangalagaan ang buhay ng mamamayan.
Source: Passi City Responders
Panulat ni Justine