Tuesday, July 2, 2024

HomeRebel NewsIsang opisyal ng NPA, arestado sa Capiz 

Isang opisyal ng NPA, arestado sa Capiz 

Nahuli ang itinuturing na isa sa mga mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) matapos ang matagal na panahon ng pagtakas at pagtatago sa kinauukulan noong ika-25 ng Hunyo,2024 sa Sitio Insiwalan, Barangay Tapulang, Maayon, Capiz.

Ayon sa impormasyon, inaresto ang tinaguriang si “Ka Tonying” sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Rebelyon, Murder, at Extorsion matapos itong bumisita sa kanyang kamag-anak sa Maayon, Capiz

Nalaman na si “Ka Tonying” ay itinuturing na isa sa mga “Notorious” na lider ng Igabon Platoon, Central Front Committee, Kilusang Rehiyon Panay na kumikilos sa Capiz at bahagi ng Iloilo.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Maayon Municipal Police Station ang naarestong rebelde para sa tamang disposisyon.

Source: K5 News Fm Iloilo

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe