Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsIsang NPA patay, habang isa nahuli sa sagupaan sa Negros Oriental

Isang NPA patay, habang isa nahuli sa sagupaan sa Negros Oriental

Patay ang isang kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) habang nahuli naman ang isa pa nitong kasamahan sa engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion, Philippine Army at ng rebeldeng grupo sa Barangay Budlasan sa Canlaon City, Negros Oriental nito lamang nakaraang Biyernes.

Kinilala ng mga awtordiad ang nasawi na si Anthony Arances Curson, 22 anyos, single, at residente ng Sitio Natuling sa Barangay Budlasan, habang ang nahuli naman ay si Leonido Sta. Ana Montero, 46 anyos, may asawa, at residente ng Sitio Malatanglad ng parehong barangay.

Ang nasabing mga rebelde ay kasapi sa Small Guerilla Unit ng Central Negros Front 1 ng Komiteng Rehiyon Cebu Bohol Negros at Siquijor ng NPA.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente sa kinaroroonan ng mga rebelde, agad nila itong nirespondihan na nauwi sa limang minutong engkwentro.

Narekober naman sa encounter site ang dalawang caliber .45 pistol, ilang round ng live ammunition, dalawang magazine at dalawang sling bag.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe