Friday, November 15, 2024

HomeNewsIsang miyembro ng New People’s Army, patay sa engkwento sa Binalbagan Negros...

Isang miyembro ng New People’s Army, patay sa engkwento sa Binalbagan Negros Occidental; Mga armas, narekober

Negros Occidental – Sa patuloy at mas lalong umiigting na laban ng pamahalaan kontra insurhensya sa ating bansa, ay isang enkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group (NPA) at ng Philippine Army ang naganap sa Sitio Caranawan, Brgy Amontay, Binalbagan, Negros Occidental nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023.

Base sa ulat ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion, nangyari ang sagupaan matapos tumugon ang kanilang hanay sa impormasyong natanggap mula sa mamamayan, kung saan may mga CNTs na nagsasagawa ng pangingikil bilang paghahanda sa kanilang masasamang plano sa kanilang nalalapit na anibersaryo ngayong Disyembre.

Sa naturang labanan, nagresulta ito sa pagkamatay ng isang rebeldeng miyembro ng NPA, na kinilalang si Braulio Tobalado aka “Bruno”, kasapi ng Central Negros 1, habang ang iba pang kasamahan nito sugatan ay tumakas papunta sa iba’t ibang direksyon.

Narekober din sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang Garand rifle, isang.45 caliber, isang backpack na may personal na gamit, at subersibong dokumento.

Ayon pa sa ulat, ang napatay na rebelde ay positibong kinilala ng kanyang mga dating kasamahan sa kilusan na ngayo’y nagbalik-loob at nagsusulong ng kapayapaan.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamunuan ng 62IB sa kooperasyon ng mga mamamayan ng Binalbagan.

Kaugnay nito, patuloy panawagan ng pamahalaan sa mga natitirang miyembro ng CTG at ang mga tumatakas at sugatang miyembro ng NPA na isuko ang kanilang armas at magbalik-loob na upang mamuhay ng tahimik at payapa kapiling ang kanilang pamilya lalo na ngayong nalalapit ang pasko.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe