Thursday, July 4, 2024

HomeNewsIsang miyembro ng LGBTQ, natagpuang patay sa Catarman, Northern Samar

Isang miyembro ng LGBTQ, natagpuang patay sa Catarman, Northern Samar

Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang miyembro ng LGBTQ Community sa Catarman, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Jasper Marquez, empleyado ng Philippine Red Cross, residente ng Brgy. Galutan, Catarman, Northern Samar at miyembro ng LGBTQ community.

Batay sa report, nadiskubre ang kanyang bangkay sa di kalayuan sa kanyang motorsiklo sa Long Bridge, Diversion Road bandang alas 6 ng umaga nitong Linggo, November 6, 2022 kung saan nagtamo ito ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na lumabas ito kasama ang kaibigan at nakipag-inuman umano sa isang bar sa Bayan ng Bobon, gabi bago mangyari ang insidente.

Nagsabi din umano si Marques sa kasamahan nito na makikipagkita din ito sa isang kaibigan bago umuwi sa kanilang tahanan.

Kaugnay dito, nawawala din umano ang wallet at cellphone nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.

Nanawagan naman ang pamilya nito ng hustisya at agad na ikalulutas ng kaso.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe