Monday, January 13, 2025

HomeNewsIsa patay, lima arestado sa Entrapment Operation ng mga kapulisan sa Calbayog...

Isa patay, lima arestado sa Entrapment Operation ng mga kapulisan sa Calbayog City

Isang suspek ang nasawi at lima ang naaresto ng mga awtoridad sa naganap na shootout habang nagsasagawa ng entrapment operation ang mga kapulisan sa Pido Extension, Brgy. East Awang, Calbayog City, Samar, bandang alas-2:30 ng umaga, Enero 11, 2025.

Kinilala ang nasawi na si alyas Edgar, residente ng nasabing lugar, na itinuturing na miyembro ng Wahingon Criminal Gang at isa ring high-value target na indibidwal. Samantala, ang lima pang suspek ay nasa kustodiya na ng Calbayog PNP.

Ayon sa impormasyon, bago ang engkwentro, nakabili ng isang unit ng KG9 sub-machine gun na nagkakahalaga ng Php 22,000.00 ang mga kapulisan mula sa mga suspek sa pamamagitan ng operasyon. Nang magsinyas ang nagpakilalang poseur buyer na arestuhin ang mga suspek, napansin ng mga ito ang presensya ng mga kapulisan kaya’t nagsimula silang tumakas at nagpaputok laban sa mga operatibang nagresulta sa pagkasugat ng isang sibilyan na agad dinala sa ospital.

Nagpatuloy ang palitan ng putok hanggang sa magresulta sa pagkasugat ng dalawang kapulisan at pagkamatay ni alyas Edgar na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Parehong dinala sa ospital ang mga kapulisan at si alyas Edgar, ngunit idineklara ring dead on arrival ang suspek.

Sa pahayag ng Samar Police Provincial Office, tiniyak ni Provincial Director Police Colonel Antonietto Eric Mendoza na ang operasyon ay lehitimo at aprubado ng kanyang opisina.

“Sinunod namin ang lahat ng kinakailangang mga protocol sa pagsasagawa ng operasyon. Natapos na ang operasyon at matagumpay na nahuli ang mga suspek. Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng Calbayog City Police Station at sasailalim sa karagdagang proseso,” pahayag ni Mendoza.


“Binibigyang-diin ko rin na ang kaligtasan ng publiko ang aming pangunahing layunin. Ang aming mga tauhan ay patuloy na nakatutok upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad, at magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng batas,” dagdag pa ng opisyal.

Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/15dmbLG6fo/

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe