Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsIsa pang miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa Maayon Capiz

Isa pang miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa Maayon Capiz

Boluntaryong sumuko ang isa pang kasapi ng Communist Terrorist Group sa mga awtoridad sa bayan ng Maayon, Capiz nitong umaga ng Nobyembre 8, 2022.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Michelle” mula sa Squad 2 sa ilalim ng KR Panay, 32 anyos, may live-in partner, farm laborer at resident of Brgy. Manayupit, Maayon, Capiz.

Si Ka Michelle ay nagsilbi bilang medic personnel ng komunistang grupo mula nang siya ay maging kasapi ng mga ito.

Saad pa ni Ka Michelle, minabuti niya ng sumuko sapagkat nais niya ng makasama ang kanyang pamilya, na taliwas na mangyayari kung patuloy pa siyang aanib sa rebeldeng grupo.

Kabilang sa kanyang mga isinuko ang isang homemade single shot M16 riffle na may dalawang magazine at may limang M16 live ammunitions.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na tutulong sila sa lahat ng mga miyembro ng rebeldeng grupo na maka-avail sa iba’t ibang programa ng pamahalaan upang magbalik-loob sa gobyerno at bumalik sa kani-kanilang mga pamilya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe