Saturday, November 16, 2024

HomeNewsIrregular na pagkamatay ng mga baboy sa San Sebastian, Samar, pinaghihinalaan na...

Irregular na pagkamatay ng mga baboy sa San Sebastian, Samar, pinaghihinalaan na ASF

Halos 100% ng mga baboy ang hindi normal ang pagkamatay sa dalawang barangay sa bayan ng San Sebastian, Samar na pinaghihinalaang may kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa impormasyong nakuha, ang mga apektadong baboy ay mula sa Barangay Camanhagay at Barangay Dolores sa San Sebastian.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng sampling sa lugar ang Samar Provincial Veterinary Office at ipinadala sa Tacloban upang makumpirma kung ASF nga ito.

Ayon kay SPVO Chief Narlit Bisnar, habang hinihintay pa ang resulta ng gagawing laboratory test, nagpatupad na ng animal quarantine o ASF checkpoint sa kalapit na bayan ng Calbiga upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng ASF virus.

Kasalukuyang pinapaigting ang checkpoint sa kahabaan ng Barangay Timbangan sa Calbiga.

Nagpatupad na rin ang LGU Calbiga ng kautusan na iwasan muna ang pagbili o pagkatay ng mga baboy na mula sa bayan ng San Sebastian.

Ang ASF ay isang virus na mabilis kumalat at mabilis na pagkamatay ng mga baboy, kahit pa naluto o naproseso na ang karne.

Ang Pambansang Pulisya ay nagpaalala na iwasan ang pagbili ng karne mula sa mga apektadong lugar, sundin ang quarantine protocols at pagiging maingat sa pagkain ng karne.

Panulat ni Let

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe