Ayon sa PAGASA nitong Huwebes, ika- 11 ng Hulyo, 2024, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) diumano ay inaasahang makaapekto sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Western Visayas, Occidental Mindoro, Palawan, Zamboanga Peninsula, BARMM, Soccsksargen, Misamis Occidental, Lanao del Norte, at Davao Occidental.
Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa mga nasabing rehiyon.
Inaasahan ng PAGASA na magdadala ito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan, subalit maaaring magdulot din ito ng malalakas na pag-ulan sa ilang pagkakataon.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong rehiyon na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang lokal na pamahalaan ay nagpapaalala sa publiko na mag-ingat at maging handa sa mga posibleng epekto ng panahon sa inyong lugar.
Lagi ring ugaliing makinig sa mga ulat-panahon at sundin ang mga tagubilin para sa kaligtasan ng lahat.
Source: Panay News
Panulat ni Justine