Saturday, November 23, 2024

HomeNewsInflation rate ng Eastern Visayas, bumaba noong Enero

Inflation rate ng Eastern Visayas, bumaba noong Enero

Nakapagtala ang Eastern Visayas ng 6.9 percent inflation rate (IR) noong Enero 2023, mas mababa sa 7.8 percent na naitala noong Disyembre 2022, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Pebrero 14, 2023.

Ang inflation rate ng Eastern Visayas ang pinakamababa sa 17 rehiyon sa bansa noong January.

Ang downtrend ng inflation rate noong Enero 2023 ay dahil sa mas mababang inflation sa year-on-year growth rate sa pagkain at non-alcoholic beverage na 7.2 percent, mula sa 8.8 percent noong Disyembre 2022.

Nag-ambag din sa pagbaba ang mas mababang inflation rate sa pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang gasolina sa 8.4 porsiyento, mula sa 10.3 porsiyento noong Disyembre 2022.

Ang information at communication ay nakatulong din sa pagbaba ng inflation rate noong Enero 2023 sa 1.1 porsiyento mula sa 1.2 porsiyento noong nakaraang buwan.

“The decelerated IR of food was primarily influenced by the lower IR of meat and other parts of slaughtered land animals with 9.3 percent in January 2023, from 17.5 percent in December 2022. The lower IR of rice which was recorded at 0.5 percent in January 2023, also contributed to the deceleration of food index,” ani PSA Eastern Visayas Regional Director Wilma Perante.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe