Monday, November 18, 2024

HomeNewsIndignation Rally, isinagawa sa Tacloban City

Indignation Rally, isinagawa sa Tacloban City

Tacloban City – Nagsagawa ng Indignation Rally ang humigit-kumulang dalawampu’t limang Peace Advocates sa kahabaan ng Rizal Avenue Street, Tacloban City nito lamang umaga ng ika-26 ng Disyembre 2022.

Ayon kay Police Colonel Michael P Palermo, City Director ng Tacloban City Police Office, ang mga nakilahok ay mula sa Peace Empowerment Against CPP-NPA-NDF Exploitation (PEACE) Movement sa rehiyon upang tuligsain ang mga kalupitan na dulot ng mga kasinungalingan at panlilinlang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Bandang alas 7:35 ng umaga nang simulan ang kilos-protesta bilang pagsalubong sa ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines habang ang tauhan ng Tacloban City Police Office ay nagbigay seguridad upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga nakilahok sa naturang aktibidad.

Patuloy naman ang panawagan ng ating gobyerno sa mga natitirang miyembro at pinuno ng CPP-NPA na talikuran na ang mga maling ideolohiya na kanilang ipinaglalaban at magbalik-loob sa ating gobyerno at tanggapin ang mga programa ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng tunay na kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe