Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsInayawan Contingent mula Surigao del Norte, kampeon sa Sinulog Festival 2023

Inayawan Contingent mula Surigao del Norte, kampeon sa Sinulog Festival 2023

Nagwagi ng big-time ang Omega de Salonera ng Surigao del Norte sa Sinulog 2023 matapos itanghal na kampeonato at masungkit ang dalawa sa mga pangunahing kategorya ng festival – ritual showdown (free interpretation) at street dancing nito lamang Linggo, Enero 15, 2023.

Tinanghal ding kampeon ang Talent Guild and Cultural Group ng Barangay Inayawan sa Sinulog-based category ng ritual showdown, gayundin sa Best in Musicality.

Nakamit din ng Omega de Salonera ang Best in Costume award (free interpretation), habang ang Inayawan Talent Guild and Cultural Group ay nag-uwi ng parehong titulo sa Sinulog-based category.

Sa isang panayam, pinasalamatan ni Mark Ivan Quiban, choreographer ng Omega de Salonera, ang Lalawigan ng Surigao del Norte sa suporta at sa batang santo (Senor Sto. Niño) para sa kanilang panalo.

“Salamat sa lahat, lalo na sa Panginoon na siyang gumagabay sa atin. Walang dancer ang naaksidente o nawalan ng malay dahil sa pagtitiwala namin sa Panginoon na magiging matagumpay kami sa aming pagsali sa kompetisyon. Maraming salamat sa lahat, lalo na kay Senior Sto. Niño,” aniya.

Dagdag pa niya na ang tagumpay na nakamit nitong Linggo ay ang kanyang pinakamalaking tagumpay bilang isang koreograpo.

“First time kong sumali sa Sinulog. Nagsimula ako bilang choreographer sa Surigao del Norte noong 2016, pero ito ang pinakamalaking tagumpay ko bilang koreograpo,” saad ni Quiban.

Nanalo si Quiban ng P50,000 para sa pagiging choreographer ng Omega de Salonera, habang ang contingent ay nanalo ng P1 milyon na grand prize.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe