Thursday, October 17, 2024

HomeNewsInagurasyon ng Super Health Center sa Anilao, Iloilo dinaluhan ni Sen. Bong...

Inagurasyon ng Super Health Center sa Anilao, Iloilo dinaluhan ni Sen. Bong Go

Matapos ang ilang taon, natupad na ang pinapangarap ng bayan ng Anilao, Iloilo na Super Health Center na pinangunahan ni Mayor Natalie Anne Debuque nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.

Imbitado sa inagurasyon ng Super Health Center si Senador Bong Go na naging malaking instrumento para matupad ang proyekto.

Ayon kay Senador Bong Go, layunin ng Super Health Center na mailapit pa ang mga serbisyong medikal sa mga mamamayan at hindi na kailangang bumyahe ng malayo.

Sa Super Health Center, mayroong ultrasound, x-ray, blood chemistry, laboratories, dental services, at birthing facility.

Nasa Php41.3 milyon ang inilaan para sa nasabing proyekto na naglalayong mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng bayan.

Tiniyak din ng Senador na full support ang kanyang opisina sa kung ano pa ang kailangan ng Super Health Center.

Buong pasasalamat nina Mayor Debuque at 4th District Congressman Ferj Biron sa suportang ipinabot ng Senador para matupad ang proyekto na makikinabang ang mga taga-Anilao, Iloilo.

Ang proyektong ito ay isang hakbang patungo sa mas maayos at abot-kamay na serbisyong pangkalusugan para sa lahat at ito ay nagpapakita ng tunay na malasakit at pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa.

SOURCE: Radyo Pilipinas Iloilo

Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe