Thursday, January 9, 2025

HomeNewsImpormasyon mula sa publiko, malaking tulong sa kampanya laban sa mga rebelde...

Impormasyon mula sa publiko, malaking tulong sa kampanya laban sa mga rebelde sa Rehiyon 6

Napakalaking tulong ang pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ng mga residente tungkol sa mga rebelde sa mga matagumpay na anti-insurgency campaign na isinagawa ng Philippine Army sa buong rehiyon ng Western Visayas.

Ayon kay Lieutenant Colonel J-Jay Javines, Chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng Philippine Army, 3rd Infantry Division (3ID), mas nakakatanggap na sila anya ng mas maraming impormasyon hindi lamang mula sa mga local government units at ibang ahensya ng pamahalaan kundi pati na rin sa mga residente sa bawat lokalidad.

Dagdag pa niya na mas dumami pa ang mga residente na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon nitong mga nakaraang buwan na siyang nakatulong sa kanila upang mas mapadali pa ang pagtunton sa mga rebelde at iba pang mga indibidwal na nagtatago sa batas kumpara noong mga nakaraang taon.

Matatandaang nito lamang Setyembre, tinatayang nasa 30 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang na-neutralize kung saan nakarekober din ng 33 assorted firearms ang mga tauhan ng 31st Infantry Division ng Philippine Army.

Samantala, positibo naman ang mga awtoridad na sa katapusan ng taon ay tuluyan ng mabuwag at matuldukan ang panglalapastangan ng mga rebelde sa buong rehiyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe