Thursday, January 23, 2025

HomeNational NewsImbestigasyon sa Chinese Vessel na sumadsad at may kargang Nickel Ore sa...

Imbestigasyon sa Chinese Vessel na sumadsad at may kargang Nickel Ore sa Guiuan, Eastern Samar, patuloy na umuusad

Nangangamba ngayon ang lokal na pamahalaan ng Guiuan, Eastern Samar dahil sa pagsadsad doon ng isang Chinese vessel na may kargang nasa 55,000 metric tons ng nickel ore sa baybaying sakop ng Guiuan, Eastern Samar.

Dahil dito ay hiniling ngayon ni Guiuan Mayor Annaliza Gonzales-Kwan ang agarang pagkuha sa naturang barko ng China.

Napag-alaman na ang barko na may markang MV ZHE HAI 168 ay may lulan na nasa 20 Chinese crew at may kargang nickel ore mula sa Homonhon Island, Eastern Samar na dadalhin sana sa Caofeidian (China) nang mangyari ang insidente noong Abril 18, 2023.

Bagama’t kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala namang napaulat na nasaktan at wala rin naitalang oil spill. Dahil sa insidente ay magpapatuloy parin umano ang isasagawang imbestigasyon ng DENR-EMB sa sumadsad na Chinese Vessel para sa posibleng epekto nito sa corals at marine protected area malapit sa lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe