Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsIlonggo General, bagong Commander ng Area Police Command (APC)-Visayas

Ilonggo General, bagong Commander ng Area Police Command (APC)-Visayas

Kamakailan lamang ay umupo na ang bagong Commander ng Area Police Command (APC)-Visayas na nakabase sa Negros Occidental, Enero 2024.

Si Police Major General Robert Rodriguez, ng PMA (Class of 1991), na tubong taga-lungsod sa timog na bahagi ng bansa, partikular na sa Distrito ng Jaro, Iloilo City ay umupo sa kanyang bagong posisyon noong Enero 1, 2024, bilang kapalit ng nagretirong APC-Visayas Commander na si Police Lieutenant General Patrick Villacorte.

Sa isang pahayag ni PMGen Rodriguez, ang kanyang pag-upo bilang isang Comander ng APC-Viasayas ay maituturing na isang pagkamit ng kanyang pangarap upang magsilibi sa kapwa Illonggo.

“It is a dream come true for me to serve my fellow Ilonggos. When I graduated from the Philippine Military Academy (PMA) handum ko gid nga magserbisyo sa aton lugar.”

Si PMGen Rodriguez, ay naglingkod bilang hepe ng Personnel and Records Management ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, at nakatakdang ma-promote sa three-star general bilang bahagi ng kanyang pag-akyat sa bagong posisyon.

Nagsilbing hepe rin siya ng Pototan Municipal Police Station sa Iloilo noong 1997 at hepe ng Intelligence and Special Operations Group ng Iloilo Police Provincial Office noong 2001.

Siya rin ay dating hepe ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 6 (PRO-6) mula 2011 hanggang 2012 sa ilalim ng pamumuno ni PRO-6 director Chief Superintendent Cipriano Querol.

Pamumunuan ngayon ni Rodriquez ang APC-Visayas na sumasakop sa tatlong Police Regional Offices ng Region 6,7, at 8.

Pangunahing mandato ng APC-Visayas ay nagsisilbing mag-organisa, magbantay, at kontrolin ang pagpapatupad ng Inter-Regional Operation laban sa rebelyon, terorismo, at iba pang banta sa Internal Security sa Visayas Region.

Kaugnay nito, nanawagan si Rodriguez ng kooperasyon ng publiko sa laban kontra-insurhensya at terorismo.

“We are optimistic nga ma-solve naton ang insurgency with the help of the Philippine Army kag sang pumuluyo, dagdag ng Heneral.”

Samantala, nagpaabot naman ng mainit na pagbati at pagtanggap sina Major General Marion Sison, Commander ng 3rd Infantry Division (3ID) ng Army, at Brigadier General Michael Samson, Commander ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army, kapwa kaklase ni PMGen Rodriguez sa kanyang posisyon bilang bagong Commander ng APC-Visayas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe