Ipinakita ni Stephanie Gulmatico, may-ari ng Doc’s Haven Food Products sa Iloilo, ang kanyang tablea creation sa 1st Philippine Flavored Tablea Competition na ginanap sa Cebu City.
Ang entry ni Gulmatico ay inspired ng Dinagyang Festival na ginamitan ng lemon bilang pangunahing sangkap at isinerve gamit ang bamboo cup.
Umabot sa 24 na iba pang entries ang nakalaban ni Gulmatico sa aktibidad.
Ang Flavored Tablea Competition ay inorganisa ng Philippine Cacao Industry Association (PCIA) kasama ang Philippine Cacao Industry Council (PCIC), Department of Tourism, at Pastry Alliance of the Philippines.
Si Gulmatico, na isa ring alumna ng Kapatid Mentor Me Program ng Department of Trade and Industry (DTI), ang may-ari ng SOGNAREPH, isang artisanal chocolate brand na nag-aalok ng iba’t ibang fine chocolates.
Kabilang sa mga natutunan ni Gulmatico sa programa ng DTI ang product development para sa cacao-based products at pagsasanay kaugnay sa cacao production technology.
Suportado naman ng lokal na pamahalaan ang kompetisyong ito. Patunay lamang ito na patuloy ang pag-arangkada ng mga ilonggo saan mang panig ng Pilipinas.