Friday, November 8, 2024

HomeNewsIloilo City, puspusan na ang paghahanda sa Dinagyang 2023

Iloilo City, puspusan na ang paghahanda sa Dinagyang 2023

Puspusan na ang paghahanda ng Lokal na pamahalaan ng Iloilo para sa darating na Dinagyang 2023.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas, nasa 95 percent na ang mga natatapos sa kabuuang preparasyon sa nasabing kapistahan.

Inaasahang magkakaroon ng opening salvo sa darating na Biyernes, Enero 13, 2023. Ang highlight ng nasabing festival ay gaganapin ngayong Enero 21 hanggang 22.

Dagdag pa ni Treñas na inaasahan ding magdadagdag ang City Engineer’s Office ng mga karagdagang street lights sa iilang bahagi ng lungsod.

Habang mas paiigtingin pa ng Public Safety Transportation and Management Office (PSTMO) at Iloilo City Police Office ang pagpapatupad ng iba’t ibang programang pang-seguridad hanggang matapos ang nasabing okasyon.

Tiniyak naman ng mga organizer ng Iloilo Festivals Foundation, Inc. (IFFI) ang publiko na mas magiging matingkad pa at engrande ang selebrasyon ng Dinagyang Festival ngayong taon. Ito ay matapos ang dalawang taong pagkahinto sa taunang selebrasyon dulot ng CoVID-19 pandemic.

Ang Dinagyang Festival ay nakasentro sa paniniwala at pagpapasalamat sa Batang si Jesus sa pagpapala at proteksyon lalo na sa mga trahedyang dumaan.

Kabilang sa mga aabangan sa naturang kaganapan ang Miss Iloilo 2023 na gaganapin sa Enero 18; Dinagyang Food Festival sa Enero 19 hanggang 22; Sto. Niño fluvial procession at solemn foot procession (Enero 20); Kasadyahan sa Kabanwahanan, Sponsors’ Mardi Gras, Grand Religious Sadsad, Dinagyang Ilomination at Floats Parade of Lights (Enero 21); at Feast Day of Señor Santo Niño De Cebu Concelebrated High Mass, Dinagyang sa Barangay Tribes Competition, at Dinagyang Awarding Ceremony sa Enero 22.

Ang Dinagyang Festival ay hinirang bilang back-to-back best tourism festival awards sa magkasunod na taong 2020 at 2021 ng Association of Tourism Officers of the Philippines.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe