Thursday, November 7, 2024

HomeNewsIloilo City Leaders, buo ang suporta sa bagong DepEd Chief

Iloilo City Leaders, buo ang suporta sa bagong DepEd Chief

Ang mga lider ng Iloilo City ay nagpakita ng kanilang pagsuporta kay Senador Sonny Angara matapos siyang italaga bilang bagong Head ng Department of Education (DepEd), siya ay humalili kay Vice President Sara Duterte, na magbibitiw sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng nasabing Departamento nitong ika-19 ng Hulyo 2024.

Sa isang panayan sa Alkalde ng Iloilo City na si Mayor Jerry Treñas ay ipinaabot niya ang kanyang kagalakan sa desisyon ni Presidente Marcos Jr., dahil nakatrabaho nila ito bilang mambabatas sa House of Representatives. 

“He has a very good work ethic. He understands the needs of the LGUs when it comes to education. He has my full support as Education Secretary,” dagdag pa ng Alkalde.

Bukod pa rito meron ring binigay na salaysay ng pagsuporta si Rep. Julienne Baronda sa isang panayam nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Hulyo, 2024 na lubusang kilala niya diumano si Angara mula pa noong siya ay Presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Iloilo City.

Aniya, alam niya kung gaano ka passionate at dedikado si Angara sa paglilingkod sa publiko. 

“I know very well, too, how he values education as a platform to help people uplift their lives. I have no doubt he will champion initiatives that would improve the state of our education,” saad ni Rep.  Julienne Baronda.

Pinuri rin ni Baronda si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpili ng isang qualified, may karanasan, at may vision na lider upang gabayan ang Department of Education tungo sa Bagong Pilipinas.

Inaasahan ng mga Ilonggo na makakamit ang mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa lahat.

Malaki ang tiwala ng mga lider ng Iloilo City kay Senador Sonny Angara. Ang kanilang papuri at suporta ay nagpapakita ng pagkakaisa alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdala ng pagbabago at pag-unlad sa bayan lalo na sa sektor ng edukasyon.

Source: Philippine News Agency 

Pat Justine Mae Jallores

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe