Nagtrending ang Flood Control project ng Iloilo City matapos manalasa ang Bagyong Tino sa buong kabisayaan maging sa ilang bahagi ng Mindanao at Palawan nitong November 6, 2025.

Sinimulang isinagawa ang naturang proyekto noong 2007 at nakumpleto taong 2011, sa pagtutulungan ng Iloilo City Government, DPWH, JICA, at NHA, at sa supprta ni former President Gloria Macapagal-Arroyo, na siyang nagbigay daan upang maiskatuparan ang nasabing flood control project.
Naging tanyag ang proyekto hindi sa lawak nito kundi sa laki ng tulong sa mga residente na dating nakararanas ng matinding pagbaha. Ang Iloilo City Flood Control Project ay binubuo ng 5-hectare floodway at dike system na nagsimula sa Pavia, Iloilo patungong karagatan— kung saan nakadesinyo na mayroong minimal concrete lamang, upang magkaroon ng maayos at natural na daloy ng tubig.

Simula ng matapos ito noong 2011 ay hindi na nakaranas ng matinding pagbaha ang mga Ilonggo gaya nang nangyari noong Bagyong Frank noong June 2008.
Ani pa ng ibang mga netizens na ang naturang floodway ay siyang dapat pamarisan ng ibang mga lokal na pamahalaan. Tunay na napapakinabangan ng mga ordinaryong mamamayan, nakapagliligtas ng buhay at higit sa lahat hindi substandard.
