Monday, November 18, 2024

HomeNewsIlang miyembro ng SSS at GSIS sa Northern Samar, tutol sa Maharlika...

Ilang miyembro ng SSS at GSIS sa Northern Samar, tutol sa Maharlika Sovereign Wealth Fund

Nagpahayag ng pagkontra ang ilan sa mga miyembro ng SSS at GSIS sa lalawigan ng Northern Samar kaugnay sa niraratsadang panukalang House Bill no. 6398 o ang Maharlika Investment Fund Act.

Layunin kasi ng panukalang batas na ito na gamitin ang pera bilang pagkukunan ng pondo mula sa mga government financial institutions tulad ng GSIS, SSS, DBP, Land Bank of the Philippines at National Treasury para umano i-invest, palaguin o ipuhunan sa iba’t-ibang paraan.

Bagama’t may ilang opisyal ng pamahalaan ang nagpaliwanag na makasisiguro ang publiko na may pananagutan ang mismong Pangulo sa kahihinatnan sa implementasyon ng panukala na ito ngunit hindi parin maiwasan ang mga agam-agam at pangamba ng publiko ukol sa usaping ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Ginang Gloria Ramirez, isang GSIS at SSS member sa Northern Samar, hindi umano siya pabor sa panukala na ito.

Pahirapan na nga aniya ang mga miyembro na tulad niya na magclaim ng benifits, mas malalagay pa umano sa peligro ang pera na pinagpaguran nito bilang kontribusyon.

Kaugnay dito, iginiit naman ng ilang mga tagapakinig sa palatuntunang PULSO NG MGA NORTEHANON SA MGA ISYU NG BAYAN ng Aksyon Radyo Catarman na wag’ na umanong galawin pa ang pensyon ng mga miyembro nito para sa nasabing investment na binabalak ng pamahalaan na anila’y posibleng magiging tago sa mata ng publiko.

Nabatid na todo depensa ang ilang mambabatas sa tinutulak na Maharlika Wealth Fund (MWF) Act kahit na malamig ang pagtanggap ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Felipe Medalla.

Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas na ito ay sina Speaker Martin Romualdez, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre, at Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.

Samantala, una nang inamin ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang may kagustuhan na magpasa ng batas ang kongreso para sa pagtatag nito.

Naniniwala naman ang ilan sa mga netizens na hindi kapani-paniwala na hindi maibubulsa o malulustay sa korapsyon ang kanilang pera para sa nasabing alokasyon dahil sa kawalang katiyakan sa safeguards at check and balances nito.

Kwestyunable din umano ang timing nito lalo pa’t lubog sa utang, masama at naghihingalo ang ekonomiya ng bansa bunsod ng epekto ng pandemya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe