Tuesday, November 4, 2025

HomeIlang Evacuation Center sa bayan ng Naval, punu-an na dahil sa isinagawang...

Ilang Evacuation Center sa bayan ng Naval, punu-an na dahil sa isinagawang Preemptive Evacuation

NAVAL, Biliran — Puno na ang ilang evacuation center sa bayan ng Naval matapos magsagawa ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Gretchen Espina upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng masamang panahon ngayong Lunes, Nobyembre 3, 2025.

Kabilang sa mga evacuation center na kasalukuyang puno na ay ang Naval Gymnasium at Caray-caray Central School. Samantala, patuloy namang tumatanggap ng mga evacuees ang Evacuation Center sa Sitio Dapdap, Barangay Agpangi.

Upang matugunan ang patuloy na pagdami ng mga lumikas, naghanda rin ang lokal na pamahalaan ng dalawang karagdagang pasilidad na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga nais pang mag-evacuate. Ito ay ang Larrazabal Provincial Evacuation Center at Naval Central School SPED Center.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Local Government Unit (LGU) ng Naval sa mga opisyal ng barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na yong mga naninirahan sa mga lugar na kabilang sa priority areas for evacuation o mga hazard-prone areas tulad ng mga lugar na madaling bahain at posibleng gumuho.

Pinaaalalahanan din ng LGU ang mga residente na lumikas na magdala ng mga mahahalagang dokumento, pagkain, at mga personal na gamit.

Katuwang ng LGU sa pagsasagawa ng preemptive evacuation ang mga Opisyal ng Barangay, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang Naval Municipal Police Station (MPS).

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at nananawagan sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga ipinatutupad na safety protocols upang maiwasan ang anumang insidente.

Panulat ni Cami
Source: RMN Tacloban

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]