Thursday, November 21, 2024

HomeEntertainmentCultureIka-80 Taong Anibersaryo ng Leyte Gulf Landings, ipinagdiriwang sa Palo Leyte

Ika-80 Taong Anibersaryo ng Leyte Gulf Landings, ipinagdiriwang sa Palo Leyte

Ipinagdiwang ang ika-80 taong Anibersaryo ng Leyte Gulf Landings na ginanap sa MacArthur Landing Memorial National Park Candahug Palo, Leyte nito lamang ika-20 ng Oktubre 2024.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa Australia, Japan, at Estados Unidos. Kasama rin sa kaganapan sina Secretary of National Defense Gilbert Teodoro at House Speaker Martin Romualdez.

Pinangunahan ng Lalawigan ng Leyte ang pagdiriwang, kasama sina Gobernador Carlos Jericho Petilla at Mayor Remedios Petilla ng Palo. Ang temang itinakda para sa Ika-80 Taong Anibersaryo ng Leyte Gulf Landings ay “Mga Bayani ng Nakaraan, Mga Halimbawa para sa Kabataan Ngayon.”

Ilan sa 14 na natitirang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang dumalo rin sa pagtitipon sa MacArthur Landing Memorial National Park.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe