Sunday, October 6, 2024

HomeNewsICT Coordinator, patay matapos barilin sa Calbayog City

ICT Coordinator, patay matapos barilin sa Calbayog City

Dead on the spot ang isang coordinator matapos itong barilin kahapon ng 8:00 ng umaga, Hunyo 29, 2023 sa boundery ng Brgy Tanval at Himalandrog, Calbayog City.

Nakilala ang biktima na si Joey Caber, 35 taong gulang, SOS/TESDA Calbayog ICT Coordinator at residente ng Brgy Acedillo, Calbayog City.

Nabatid sa inisyal na imbistigasyon na isinagawa ng PNP Calbayog, na habang ang biktima at ang dalawa pa nitong kasama ay naglalakad patungo sa Brgy. Himalandrog para sana magsagawa ng assessment sa Himalandrog Seven Hills Integrated School.

Pagdating sa nasabing lugar ng insidente ay nakita nila ang suspek na nakatambay sa isang kubo habang may hawak na improvised/home-made na baril o mas kilala na “Bardog”. Nang sila ay makalagpas sa kubo ay doon na binaril ng suspek ang biktima sa kaniyang likuran at agad itong tumakas patungo sa bulubunduking lugar ng nabanggit na barangay dala ang nasabing improvised na baril.

Samantala, prinoseso naman ng Calbayog City Forensic Satellite Office ang pinangyarihan ng krimen at agad nagsagawa ng hot pursuit operation para sa posibleng pag-aresto sa tumakas na suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe