Friday, November 22, 2024

HomeSportsIBP Bike for a cause, dinaluhan ng daan-daang siklista

IBP Bike for a cause, dinaluhan ng daan-daang siklista

Mahigit 400 ang lumahok at dumalo sa cycling competition na inorganisa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu chapter at ng Mandaue City government na ginanap sa F.E. Zuellig Avenue Mandaue City sa buong Cebu Doctor’s University nitong Linggo, Hulyo 17, 2022.

Ang naturang aktibidad ay inilatag ng event organizer na Uban ta Bai’ke (UTB) at tinaguriang “Criterium Race: The Verdict,” isang patimpalak na nagsusulong sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Ayon kay Atty. John Dennis Fernandez, isa sa mga chairperson ng aktibidad, na ang kaganapan ay binuksan para sa lahat na may layuning hikayatin ang publiko na makiisa sa mga physical activities katulad ng pagbibisikleta upang palakasin ang kanilang immune system sa gitna ng pandemya.

Ang naturang aktibidad ay may registration fee na Php350 na nagsimula  bandang alas-6 ng umaga at natapos ng alas-5 ng hapon.

Sinabi rin ni Fernandez na ang mga nalikom mula sa nasabing gawain ay gagamitin para pondohan ang proyekto ng IBP-Cebu na tinatawag na “Humanity Behind Bars,” isang programa na naglalayong i-decongest at ayusin ang mga jail facilities sa Cebu, kabilang na ang Mandaue City Jail at para magbigay na rin ng legal assistance sa mga taong nakapiit.

Dagdag pa niya na nakipagtulungan sila sa Mandaue City Government para sa kanilang kauna-unahang Criterium Race dahil kinilala ang Mandaue bilang isa sa mga bike-friendly na lungsod sa bansa.

Kabilang din sa dumalo ang mga opisyal ng Mandaue City na pinamumunuan ni Mayor Jonas Cortes, na may planong gawin ang lungsod ng Mandaue bilang sports capital ng Cebu.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe