Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsIbat ibang mga kagamitan ng NPA narekober sa Cauayan, Negros Occidental

Ibat ibang mga kagamitan ng NPA narekober sa Cauayan, Negros Occidental

Cauayan, Negros Occidental- Narekober ang ibat ibang kagamitan ng NPA matapos makaengkwentro ng mga sundalo ang rebeldeng grupo sa Sitio Hanot, Barangay Inayawan sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental nitong Huwebes, Hulyo 14, 2022.

Ito ay matapos makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga terorista at sa mga balak nitong mangikil sa mga residente, agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga tropa ng pamahalaan at naabutan ang humigit kumulang 10 mga kasapi ng NPA. Tinatayang nagtagal sa halos 10 minuto ang palitan ng bala sa pagitan ng dalawang grupo.

Agad naman ding tumakas ang mga rebelde habang naiwan naman sa encounter site ang iilang Home-made Grenade, isang (1) Cal. 45 pistol at magazine na may pitong (7) live ammunition; anti-personnel mine paraphernalia; 50m electric wire; tatlong (3) cellphone; isang (1) charger ng Baofeng Radio; isang (1) charger ng cellphone; apat (4) na backpack; medical paraphernalia; food packs; at iba pang mga personal na kagamitan at mga dokumento.

Wala namang naitalang nasugatan sa mga sundalo habang may mga bakas naman ng dugo sa pinangyarian ng encounter.

Matatandaang mula Enero ngayong taon, umabot na sa 25 military encounters ang naitala laban sa teroristang CPP-NPA sa Area of Responsibility ng 3rd Infantry Division. Habang nasa kabuuang 76 NPA members naman ang na-neutralize ng mga awtoridad at nasa 44 armas naman ang narekober sa mga panahong iyon.

Samantala pinasalamatan naman ni Major General Benedict Arevalo, 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander, ang mga residente sa patuloy na pagbibigay ng agarang impormasyon sa mga awtoridad.

Anya, “The willingness of the local populace in helping the soldiers by giving noteworthy information on the whereabouts of these NPA terrorists is a great help to our continuous campaign to end local communist armed conflict in Negros Island.”

Pinuri din ni MGen Arevalo ang katapangan ng ibat ibang operating troops ng Philippine Army at ng Philippine National Police sa patuloy na pagpapaigting sa kampanya laban sa terorismo hindi lang sa isla ng Negros pati na rin sa buong bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe