Thursday, December 26, 2024

HomeNewsHumigit-kumulang sa 2,500 na kapulisan, idedeploy sa buong Eastern Visayas upang tiyakin...

Humigit-kumulang sa 2,500 na kapulisan, idedeploy sa buong Eastern Visayas upang tiyakin ang seguridad sa pagsisimula ng simbang gabi

Nakahanda na ang Philippine National Police sa seguridad na kanilang ikakasa para sa Simbang Gabi na nagsimula noong madaling-araw ng Disyembre 16, 2022.

Ito ngayon ang tiniyak ng Police Regional Office 8 sa isang panayam.

Ayon sa PRO8, susunod sila sa mandato ng Pambansang Pamunuan ng Pulisya kung saan naka-full alert status na ang buong pwersa nito bilang bahagi ng security preparations ng PNP para sa Pasko, partikular sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi.

Sa panayam naman kay Police Lieutenant Colonel Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Police Regional Office 8, sinabi nitong nasa humigit kumulang sa 2,500 na kapulisan ang kanilang idedeploy sa buong rehiyon.

Kaugnay nito, siniguro naman ng PRO8 na may presensya ng pulis sa lahat ng mga simbahan na madaling makikita at handang tumugon sa anumang sitwasyon.

Samantala, hinikayat naman nito ang iba pang force multipliers tulad ng Barangay Peace Action Teams (BPATs), Barangay Tanods, Private Security Agencies, Non-Government Organizations (NGO’s), at ang Civilian Volunteers’ Organizations na makipag-ugnayan sa mga local police units para sa kanilang security operations upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong kapaskuhan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe