Monday, November 18, 2024

HomeNewsHousing project pinasinayaan sa Cauayan, NegOcc

Housing project pinasinayaan sa Cauayan, NegOcc

Pinasinayaan ni Negros Occidental Governor Eugenio Lacson kasama sina 6th District Board Member Jeffrey Tubola, at Cauayan Mayor John Rey Tabujara ang mass housing project sa bayan ng Cauayan nito lamang Sabado, Enero 21, 2022.

Bahagi ang programa sa ika-23 taong selebrasyon ng Lubay-lubay Festival sa bayan ng Cauayan.

Ang naturang inagurasyon ay dinaluhan mismo ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, at ni Dr. Billy Tusalem, CEO ng Earth-Based Habitat Builders and Integrated Services (EHBIS), Inc., JF Ledesma Foundation, Inc., and Circle Forge, Inc., kasama si Governor Lacson at iba pang mga local official sa nasabing bayan.

Nagsimula ang programa sa ribbon-cutting ceremony at blessing ng project site sa Barangay Poblacion, na sinundan naman ng maikling programa at signing ng Memorandum of Understanding.

Samantala pinuri naman ni Governor Lacson ang mga Cauyanon sa pangunguna ng mga lokal na opisyal nito sa patuloy na pakikibaka nito tungo sa kaunlaran sa kabila ng mga kalamidad at trahedyang dumating sa kanilang bayan.

Tiniyak din ni Governor Lacson, na handa ang lalawigan na tumulong upang maisakatuparan ang mga programang tiyak na makakatulong sa mga residente sa nasabing bayan.

Aniya, “Trying to address homelessness in the Philippines is truly a tall order but not entirely unattainable. It is for this reason that I am truly pleased with today’s development here in Cauayan”.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe