Nanawagan ang Eastern Visayas Medical Center (EVMC) regional blood bank center sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na suportahan ang mga inisyatiba sa donasyon ng dugo upang maiwasan ang kakulangan sa suplay.
Nito lamang Setyembre 23, sinabi ni Roland Gorgonia, supervisor ng blood bank ng EVMC, kinakailangan ang suporta ng mga lokal na lider upang matiyak ang sapat na suplay ng dugo.
Habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue fever sa Eastern Visayas, mataas ang pangangailangan para sa mga transfusion ng dugo para sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon, aniya.
Naitala ng Department of Health-Eastern Visayas na hanggang Setyembre 17, mayroong 11,624 kaso ng viral disease, na 314 porsyentong mas mataas kumpara sa bilang na naitala sa parehong panahon noong 2023.
Umabot na sa 23 ang namatay dahil sa dengue ngayong taon.
Patuloy na nagsasagawa ang EVMC ng mga regular na mobile blood donation ngunit hindi pa rin nito natutugunan ang kinakailangang suplay, sabi ni Gorgonia.
“Hindi lahat ng LGUs ay aktibo sa donasyon ng dugo. Kung meron man, kaunti lamang ang nakokolekta, na hindi sapat,” dagdag niya.
Lumalalala ang kakulangan sa suplay ng dugo tuwing buwan ng Mayo, na panahon ng fiesta, at sa Enero at Disyembre kung kailan maraming selebrasyon.
Panulat ni Cami
Source: PNA