Thursday, January 16, 2025

HomeNewsHindi bababa sa 15 bahay ang natupok sa sunog sa Cebu City

Hindi bababa sa 15 bahay ang natupok sa sunog sa Cebu City

Cebu City- Hindi bababa sa 15 bahay ang tinupok ng apoy sa sumiklab na sunog sa Sitio Kalubihan, Guadalupe, Cebu City pasado alas-4 ng umaga nito lamang Linggo, Hulyo 24, 2022.

Ayon sa imbistigasyon isang napabayaang kandila ang tinitingnang sanhi ng sunog na kung saan humigit-kumulang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Wendell Villanueva, tagapagsalita ng Cebu City Fire Office, nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ni Ricardo Eran at tirahan ni Mira Ravidas.

Natanggap ng kanilang himpilan ang patungkol sa sunog alas-4:39 ng umaga na agad naman nilang nirespondehan dahilan upang magawang pigilan ang mabilis na pagkalat nito.

Dakong alas-5:16 ng madaling araw nang maapula ang sunog.

Tinatayang nasa Php450,000.00 ang naging pinsala ng naturang insidente at wala namang naiulat na nasaktan.

Patuloy naman na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe