Tuesday, December 24, 2024

HomeTechnologyHigit 1.4 libong mag-aaral, nakakuha ng tablet mula sa lokal na pamahalaan...

Higit 1.4 libong mag-aaral, nakakuha ng tablet mula sa lokal na pamahalaan ng Negros Occidental

Tinatayang nasa 1,439 mag-aaral mula sa Grade 1 hanggang Grade 3 na sakop ng Department of Education (DepEd) Division of Negros Occidental ang makakatanggap ng computer tablet mula sa lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Negros Occidental.

Layunin ng naturang programa na paigtingin pa ang suporta sa mga kabataang mag-aaral sa probinsya sa pamamagitan ng mga nasabing computer gadgets.

Ang pinakaunang mga benepisyaryo sa naturang programa ang mga mag-aaral sa bayan ng Cauayan, kung saan ang Project BONG o “Bata ang Ona sa Negros” ay inilunsad nito lamang Lunes, upang makapagbigay ng tulong sa mga mag-aaral na tinaguriang “Letters and Numbers on the MoVE: Mobile videos for Education: A Gateway for Literacy and Numeracy.”

Sa kanyang video message, sinabi ni Lacson na ang electronic (E)-learning gadgets ay nakalaan lamang para sa pag-aaral ng mga kabataan at hindi sa personal na paggamit ng mga ito sa iba’t ibang social media video platform.

Saad pa ni Lacson na dapat ingatan ito ng mga benepisyaryo sapagkat isasauli pa nila ito pagkatapos ng isang taon at ipapasa sa kasunod na mga batch ng benepisyaryo.

“To the teachers, teach the learners how to use the tablets and teach the parents as well. Parents, you also have to instill discipline in your children,” dagdag pa niya.

Ang pagbili at pagkakaroon ng naturang mga kagamitan ay sa ilalim ng pondo ng Special Education Fund ng Provincial School Board.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe