Kinumpirma mismo ng tatlong mga unibersidad ang pagkakapasa ni Julian Martir, ang estudyante mula sa Negros Occidental High School sa Bacolod City na naiulat na nakakuha ng scholarship sa 30 unibersidad sa United Kingdom at United States.
Si Martir ang bunso sa apat na magkakapatid na anak ng isang tricycle driver at tindera mula sa Bacolod City, Negros Occidental.
Kabilang sa mga paaralang ibinahagi ni Martir na inapplyan niya ang Ohio Wesleyan University, Clarkson University, Hofstra University, Marquette University, Alfred University, Xavier University, Duquesne University, DePaul University, Regis University, Simmons University, Woodbury University, The University of Texas at Arlington, New Jersey Institute of Technology, Webster University, Ball State University, at ang University of Massachusetts Dartmouth.
Nakakuha din daw siya ng entrance offer mula sa University of Connecticut, The George Washington University, Fordham University, Kent State University, Michigan Technological University, The University of Arizona, The University of New Hampshire, Drexel University, Johnson and Wales University, University of Massachusetts Boston, Stony Brook University, the University of Colorado Boulder, Clemson University, at ng Richmond isang American International University sa London.
Bagama’t binabash ng ibang mga netizen sa social media, pinatunayan naman ng tatlo sa nasabing mga unibersidad, iyan ang Ohio Wesleyan University, Alfred University at Regis University mula sa United States na lehitimo nga na nakapasa si Martir at nakakuha pa ng scholarship sa kanilang paaralan.
Balak umano ni Martir na papasok sa Connecticut College sa New London sa bansang Estados Unidos kung saan kukuha ito ng kurso na Double Major in Mathematics at Computer Science.