Saturday, October 5, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesHepe ng Mandaue, nangakong palalakasin pa ang Police Visibility sa lungsod

Hepe ng Mandaue, nangakong palalakasin pa ang Police Visibility sa lungsod

Nangako ang bagong hinirang na hepe ng Mandaue City Police Office (MCPO) na si Police Colonel Jeffrey Caballes noong Lunes, Agosto 8, 2022, na uunahin ang pagpapalakas ng police visibility sa lungsod.

Sinabi ni Police Colonel Caballes na ipapatupad niya ang kanyang programa upang matiyak ang tiyak na seguridad at kaayusan ng lungsod sa pamamagitan ng mobile patrol, foot patrol at regular na pagsasagawa ng checkpoint.

Dagdag pa ng nasabing opisyal, na titingnan din daw niya ang mga kasalukuyang programa ng Mandaue City Police Office (MCPO) at ipagpapatuloy ang magandang sinimulan nito lalong-lalo na kung para sa magandang kapakanan ng lahat ng Mandauehanon.

Pormal na ipinakilala si Police Colonel Caballes bilang bagong Officer-in-Charge ng MCPO kasunod ng direktiba ng Police Regional Office (PRO)-Central Visayas sa isang seremonya na ginanap noong Agosto 3.

Nakatakda naman siyang mag courtesy call kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes ngayong linggo.

Pinalitan ni Caballes si Police Colonel Roland Bulalacao, na uupong muli sa kanyang dating posisyon bilang pinuno ng Regional Operations Division ng PRO-Central Visayas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe