Hand grenade, boluntaryong isinuko sa mga awtoridad sa Hinabangan, Samar

0
13

Matagumpay na naiproseso ng mga operatiba ng Hinabangan Municipal Police Station, sa pangunguna ni Officer-in-Charge PLT Crystian S. Cadiz, ang boluntaryong pagsuko ng isang hand grenade noong gabi ng Nobyembre 16, 2025.

Isinuko ng isang lalaking kinilalang si “Jack”, nasa tamang edad, may asawa, at residente ng Brgy. Mugdo, Hinabangan, Samar ang naturang M67 fragmentation hand grenade sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa impormasyon, ang granada ay pagmamay-ari umano ng kanyang nawawalang lolo. Dahil sa pangamba sa posibleng panganib na dulot nito, agad niya itong dinala at isinuko sa estasyon ng pulisya.

Samantala, ang nasabing granada ay na-turn over na sa supply/custodian officer ng Hinabangan Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Panulat ni Cami

Source: Hinabangan MPS

Leave a Reply