Saturday, November 23, 2024

HomeNewsHalos Php1 Bilyong halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa Central Visayas...

Halos Php1 Bilyong halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa Central Visayas sa loob ng 8 buwan

Ang Police Regional Office (PRO 7) ay nakakumpiska ng halos Php1 bilyong halaga ng iligal na droga sa loob ng walong buwang kampanya laban sa krimen at pagpapatupad ng batas, habang 206 barangay ang idineklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).

Mula Enero 1 hanggang Agosto 31, 2024, ang kapulisan ng Central Visayas ay nagsagawa ng 4,818 anti-drug operations, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 144,149.89 gramo ng shabu na may halagang Php980,219,252. Bukod dito, kinumpiska ng mga awtoridad ang 1,630.02 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at binunot ang 28,061 na halamang marijuana at 2,000 na tangkay, na may kabuuang halaga na Php6,057,802.40. Nakumpiska rin ang 1,055 ampules ng Nubain na may halagang Php121,325.

Pitumpu’t isang porsyento ng 3,003 barangay sa Central Visayas ay idineklarang drug-cleared na. Sa taong 2024, 206 barangay ang idineklarang drug-free sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP). Karagdagang 30 barangay ang naghihintay ng beripikasyon, na tatalakayin sa Huwebes, Setyembre 26, 2024.

Ang komite, na binubuo ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, Department of Health, Local Government Units, at iba pang ahensya, ang nangunguna sa mga operasyon ng drug-clearing. Ipinahayag ni PRO 7 Regional Director Police Brigadier General Anthony Aberin na ipagpapatuloy nila ang mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, katuwang ang mga stakeholder at komunidad.

Source:Sunstar

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe