Saturday, December 28, 2024

HomeNewsHalos 900K na bata sa Rehiyon 8, nakapag-enroll na para sa bagong...

Halos 900K na bata sa Rehiyon 8, nakapag-enroll na para sa bagong school year

Halos 900,000 elementarya at high school students sa Eastern Visayas ang nag-sign up, ilang araw bago ang pagbubukas ng bagong school year, iniulat ng Department of Education (DepEd).

Nitong Biyernes ng tanghali, humigit-kumulang 895,490 ang naka-enrol sa mahigit 4,000 kampus sa anim na probinsiya, na kumakatawan sa 67 porsiyento ng 1,319,785 sa aktwal na enrollment noong nakaraang academic year, sabi ni Mark Lito Gallano, DepEd Eastern Visayas Regional Planning Officer, sa isang press briefing.

Inaasahang tataas ang bilang ng mga enrollees sa Martes kapag pormal nang magbukas ang school year 2023-2024, ani Gallano.

“Ito ay isang quick count lang. We’re expecting that by August 29, this number will change since more children have been processing their enrollment,” sabi ni Gallano sa mga mamamahayag.

Batay sa DepEd Order No. 22 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ang enrollment para sa paparating na academic year ay mula Agosto 7 hanggang 26, 2023.

Sinabi ni DepEd Regional Partnership Focal Person Eden Dadap na lahat ng paaralan sa rehiyon, maliban sa isang bayan ng Burauen, Leyte, ay handang tanggapin ang mga mag-aaral hanggang Agosto 29.

Ang tinutukoy ni Dadap ay ang Maghubas Elementary School sa bayan ng Burauen kung saan isang property claimant ang nagtayo ng ilang istruktura sa loob ng campus at nagtangkang isara ang paaralan.

“Kami ay 100 porsiyentong handa matapos ang pagsasagawa ng Oplan Brigada Eskwela sa suporta ng aming iba’t ibang stakeholders,” sabi ni Dadap.

Noong Agosto 14 hanggang 19, ang 4,469 pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya ng rehiyon ay sumali sa Brigada Eskwela.

Samantala, babantayan ng DepEd regional office ang pagsunod ng mga paaralan sa direktiba ni VP Duterte na “classroom walls shall remain bare and devoid of posters, decorations, or other posted materials.”

“With the provision of technical assistance from our regional office, we are hopeful that our division offices will monitor the compliance of this order. Teachers are not supposed to spend much to decorate their classrooms,” dagdag ni Dadap.

Nauna nang ipinaliwanag ni Duterte na “classrooms should be clean so that the attention of our students is in their teacher, their book, or their activity.”

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe