Monday, November 25, 2024

HomeNewsHalos 35K Brgy Officials sa Eastern Visayas, sasailalim sa pagsasanay

Halos 35K Brgy Officials sa Eastern Visayas, sasailalim sa pagsasanay

Sasailalim sa leadership training ang halos 35,000 barangay officials sa Eastern Visayas simula Enero 2024 para mas lalong maihanda sila bilang development partners ng national government.

Ang pagsasanay ay naglalayong tiyakin na ang mga opisyal ng barangay ay may kapasidad na gampanan ang kanilang mga tungkulin upang matiyak ang mapayapa at progresibong komunidad, sinabi ni Arnel Agabe, Department of the Interior and Local Government (DILG) Eastern Visayas Regional Director sa isang panayam noong Miyerkules.

“Ang pagsasanay ay hindi lamang para sa mga bagong halal na opisyal kundi para sa lahat sa pamunuan ng barangay. We want our barangay government to be a partner in all our development efforts,” saad nito.

Magsisimula ang training program sa dalawang araw na basic orientation course para ipakilala sa kanila ang mga pangunahing barangay governance, partikular ang mga kaukulang probisyon ng Local Government Code, development planning, budget at finance, participation, public ethics at accountability.

Bukod sa orientation course, magbibigay din ito ng tulong teknikal sa pagpapatupad ng mga specialized courses sa barangay governance, enriching citizen participation, and performance management.

Ang Seal of Good Local Governance para sa mga Barangay ay tatalakayin nang husto sa programa.

Sinabi ni Agabe na itatampok din ng pagsasanay ang mga priority campaign tulad ng pagbuo ng barangay anti-drugs council and enhancing the capacity of the anti-drug council and peace and order council.

“We will conduct training needs assessments since each area has special concerns,” dagdag pa niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe