Friday, November 22, 2024

HomeNewsHabal-habal drivers sa Naga City Cebu, magiging katuwang ng pulis sa pagmonitor...

Habal-habal drivers sa Naga City Cebu, magiging katuwang ng pulis sa pagmonitor ng krimen

Noong Biyernes at Sabado, Oktubre 14 at 15, 2022, tinipon ng Naga City Police Station sa Cebu ang ilang grupo ng mga motorcycle-for-hire o habal-habal driver upang pag-usapan ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Junnel Caadlawon, Hepe ng istasyon, maliban sa alam ng mga habal-habal driver ang pasikot-sikot sa lungsod, malaki ang magiging papel at maitutulong ng grupo sa kapulisan sa pagsubaybay ng sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan ng lungsod.

Tiniyak naman ng mga habal-habal drivers na agad nilang ipagbibigay alam sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang personalidad o gawain sa lugar.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga habal-habal driver, ang lokal na pulisya ay magkakaroon ng mas magandang pagkakataon na mapababa ang crime rate sa lungsod, ani Police Lieutenant Colonel Caadlawon.

Saad pa ng opisyal, ang bawat habal-habal driver ay magsusuot ng kanilang uniporme at ang kanilang mga motorsiklo ay lalagyan ng mga sticker na palatandaan na sila ay katuwang ng mga awtoridad upang pigilan ang anumang uri ng krimen sa lungsod.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1943587/cebu/local-news/habal-habal-drivers-in-city-of-naga-to-help-police-monitor-crime

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe