Sunday, July 7, 2024

HomeNewsGuro, patay sa gitna ng selebrasyon ng Calbiga DepEd Night

Guro, patay sa gitna ng selebrasyon ng Calbiga DepEd Night

Samar -Sumakabilang buhay ang isang guro sa gitna mismo ng isinasagawang DepEd Night Celebration kagabi, Mayo 20, 2023 sa bayan ng Calbiga, Samar.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Renato Ocasla, 48 anyos, residente ng Brgy. Polangi, at isang guro ng Literon Elementary School na nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 11:00 kagabi, napag-alaman na ang grupo ni Ocasla ay naghandog pa ng isang sayaw para sa DepEd Night na isinagawa sa auditorium ng bayan, subalit ng matapos ang nasabing presentasyon at nakabalik na ang biktima sa kanilang lamesa, bigla na lamang nagsikip ang kaniyang dibdib.

Agad namang tinulungan ng mga kasamahan nitong guro si Ocasla at dinala sa Calbiga Rural Health Unit (RHU) subalit wala na itong pulso at agad siyang isugod sa isang ospital sa lungsod ng Tacloban, subalit hindi na umano ito nakarating ng buhay sa ospital.

Dahil sa nangyari, maagang itinigil ang nasabing okasyon na isinasagawa para sa mga guro sa nasabing bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe