Sunday, November 24, 2024

HomeNewsGuimaras isa sa mga pilot area ng PhilHealth para sa Konsulta program

Guimaras isa sa mga pilot area ng PhilHealth para sa Konsulta program

Napili ang lalawigan ng Guimaras bilang isa sa apat na mga pilot area o sandbox sites sa buong bansa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa programa nitong Konsultasyong Sulit at Tama o (KonSulTa) na inaasahang makapagbigay ng serbisyo sa mahigit kumulang 185,000 miyembro.

Pasok sa KonSulta program ang iba’t ibang individual-based services kabilang na ang initial at follow-up care consultations, health screening and assessment at access sa halos 13 diagnostic services at 21 medicines.

Ayon pa kay Janet A. Monteverde, Acting Regional Vice President, PhilHealth Region VI, ang lalawigan ng Guimaras ay pumasa sa ibinigay na mga parameter ng sandbox policy ng nasabing ahensya. Lahat aniya ng kanilang mga pasilidad ay KonSulta provider, kabilang na ang kanilang mga ospital at pampublikong pagamutan.

Dagdag pa ni Monteverde na sa tulong ng sandbox, magkakaroon ng frontloading ng mga pondo, ibig sabihin mauna silang mababayaran bago ipadala ang mga serbisyo.

Ang mga municipal health officers sa lalawigan ay inaasahang magbibigay ng serbisyo sa 100,000 mga indibidwal, ngunit balak ng buong lalawigan ng Guimaras na makapagbigay ito ng serbisyo sa lahat ng mga residente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe