Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsGroundbreaking Ceremony ng Bagong Pamilihang Pampubliko ng Danao City, inilunsad

Groundbreaking Ceremony ng Bagong Pamilihang Pampubliko ng Danao City, inilunsad

Isang Groundbreaking Ceremony ng bagong Danao City Public Market ang inilunsad noong Miyerkules, Oktubre 18, 2023.

Papalitan nang bagong pampublikong pamilihan ang nauna nang natupok ng sunog noong nakaraang taon.

Ang bagong “Merkado sa Danao” o Danao Market ay dalawang palapag na commercial hub na maaaring maglagay ng 1,200 retailers at matatagpuan sa parehong lugar ng Barangay Poblacion.

Layunin nitong palakasin ang lokal na kalakalan at pahusayin ang pang-ekonomiyang tanawin ng lungsod.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Mayor Thomas Mark “Mix” Durano at Vice Mayor Ramon “Nito” Durano.

Naglaan ang pamahalaang lungsod ng P400 milyon para sa proyekto, na popondohan ng pautang mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Noong gabi ng Hunyo 2, 2022, sinira ng apoy ang lumang pampublikong pamilihan ng lungsod, na nagdulot ng P52.2 milyon na pinsala at pagkasira ng hindi bababa sa 100 stalls.

Mula noon, isinara na ang pamilihan at inilipat ng administrasyon ng lungsod ang mga apektadong vendor.

Sa kanyang mensahe sa groundbreaking rites, pinasalamatan ni Mayor Mix ang lahat ng nag-ambag sa tagumpay ng proyekto.

“Among paningkamutan na mas mulagsik ang ating lokal na ekonomiya. sila (displaced vendors) ay maaaring magbenta muli sa isang komportableng merkado). At hindi kami magpapahinga hanggang sa tumayo ang huling haligi, hanggang sa mailagay ang bubong, at hanggang sa makatayo muli ang lahat. Ito ang pangako natin sa bawat Danawanon, ilalaan natin ang ating lakas at oras mula sa groundbreaking hanggang sa ribbon-cutting,” sabi ni Mayor Mix.

Ipinahayag din ni Vanessa Dosdos, treasurer ng Danao City Market Vendors Association, ang kanilang pasasalamat sa pamahalaang lungsod sa kanilang pagsisikap na maisakatuparan ang proyekto.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe