Thursday, December 26, 2024

HomeNewsGovernment Employee sa Negros Oriental, arestado sa ilegal na droga

Government Employee sa Negros Oriental, arestado sa ilegal na droga

Arestado ang 37 taong gulang na empleyado ng Tanjay City, Negros Oriental matapos makuhanan ng ilang pakete ng ilegal na droga sa Olis Street, Barangay 4, Tanjay City, Negros Oriental noong Martes, ika-25 ng Oktubre 2022.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Neil June Manso, 37, Utility Worker II ng LGU ng Tanjay.

Si Manso ay nasakote matapos ihain ng mga operatiba ng PDEA Negros Oriental Provincial Office at Tanjay City Police Station ang Search Warrant na humantong sa pagkakakumpiska ng tinatayang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe