Pinalawig ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang entry ban sa mga pork products mula Iloilo at buong Panay Island hanggang Disyembre 31, 2022 dahil sa African Swine Fever (ASF) na umiiral pa rin sa isla.
Pinaalalahanan ni Garcia ang mga opisyal sa lahat ng pantalan ng mga pasukan sa Cebu na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa mga produktong baboy na nagmumula sa mga lugar na apektado ng ASF.
Bukod sa Iloilo at Panay Island, ipagpapatuloy din ni Garcia ang entry ban sa mga pork products mula sa mga lugar na wala pang ASF, tulad ng Luzon, Eastern Visayas at Mindanao.
“Sa ngayon, sa 81 probinsya sa buong bansa, 62 probinsya na ngayon ang infected ng ASF. Hindi pa nila nakontrol ang pagkalat ng ASF sa Panay at Iloilo,” saad Garcia noong Miyerkules, Nobyembre 9.
“I-extend natin (ban) kasi we are trying to study ba kung kaya nila, pero wala,” dagdag pa nito.
Batay sa Executive Order 42 ng gobernador, ipagbabawal ang lahat ng pork products mula Iloilo at Panay sa loob ng 60 araw o hanggang Disyembre 12, 2022 para maprotektahan ang P11-bilyong hog industry sa Cebu.
Ang pinakahuling ulat ay nagpakita na hindi bababa sa limang munisipalidad sa Iloilo ang naapektuhan ng ASF.
Sa kabila ng pork ban, tiniyak ng Cebu Provincial Veterinary Office sa publiko na may sapat na suplay ng baboy ang lalawigan para sa darating na kapaskuhan.